Kaso ng African Swine Fever sa bansa, bumaba na ayon sa DA

37

Bumaba na ang naitatalang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bansa ngayong taon.

Ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar sa kabila ng patuloy na pagpapatupad ng ahensiya ng mga localized programs para tugunan ang naturang isyu.


Batay sa obserbasyon ng ahensya, bumaba na lamang sa 935 ang ASF cases sa bansa nitong first quarter ng 2021, mula sa 3,060 cases noong third quarter ng 2020.

Ang magandang development na ito ay dahil na sa modified protocols na pinaiiral ng ahensya pagdating sa managing, containing, at controlling ng ASF sa bansa — tulad na lamang ng pagkakaroon ng local veterinary quarantine checkpoints, disease investigation, at surveillance sa tulong ng mga grupo sa bawat rehiyon at concerned Local Government Units (LGUs).

Naniniwala naman ang kalihim na ang programang ito ay makakatulong sa repopulation ng mga baboy sa bansa na naapektuhan ng ASF at pag-alam sa financial support facilities para sa mga alternatibong livelihood projects sa mga ASF-affected farmers.

Facebook Comments