KASO NG CHILD ABUSE AT EXPLOITATION SA REGION 1, PUMALO NA SA LABING ANIM

Pumalo sa labing anim ang naitalang kaso ng child abuse at exploitation sa Region 1.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Department Social and Welfare (DSWD) FO1 Regional Director, Marie Angela Gopalan, sinabi nito na anim ang naitalang child custody at limang child abuses.

Paglilinaw ni Gopalan namaaring mas mataas pa ang naitalang kaso dahil ang nasabing bilang ay mula lamang sa kanilang tanggapan at hindi pa kabilang ang naitatala ng ibang ahensya.

Samantala, nangunguna ang lalawigan ng Pangasinan sa mga nakapagtala ng mataas na kaso dahil sa dami rin ng populasyon nito.

Nagpapatuloy naman ang ahensya sa pagbibigay ng serbisyo sa pangangalaga at pagprotekta sa mga kabataan at pagsusulong ng karapatang pantao. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments