Kaso ng COVID-19 positive sa QC, umabot na sa 3,093

Umabot na sa 3,093 ang COVID-19 positive sa Quezon City.

Batay sa impormasyon na inilabas ng Quezon City Health Office (CHO), nasa 3,015 na ang kumpirmadong may kumpletong address sa Quezon City, habang 2,983 naman ang na-validate ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.

Habang sa datos ng Local Government Unit (LGU), nasa 1,017 na aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.


May animnapu (60) na bagong nakarekober.

Sa kabuuan may 1,743 na ang gumaling.

May tatlong nasawi na sa kabuuan ay mayroon nang 223 na pumanaw.

Facebook Comments