Kaso ng COVID-19 sa 8 siyudad sa NCR, tumataas – DOH

31

Nakikitaan ng pagtaas ng COVID-19 cases ang walong siyudad sa National Capital Region.

Sa pulong-balitaan kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City, hindi binanggit ni Health Secretary Francisco Duque III alin sa mga lungsod sa Metro Manila ang nagkakaroon ng pagtaas ng COVID-19 cases.


Bukod dito, sinabi ni Duque na ang Region 7 at Caraga ay nakikitaan din ng pagtaas ng COVID infections.

Gayumpaman, ang buong bansa ay nagkakaroon na ng downtrend ng naitatalang kaso.

Facebook Comments