Kaso ng COVID-19 sa bansa, halos 273,000 na

33

Umaabot na sa 272,934 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ito ay matapos na magpositibo ang panibagong 3,550 na indibidwal.

Sa nasabing bilang, 60,344 ang active cases.

Umabot naman ngayon ang total recoveries sa 207,858 matapos na madagdagan ng panibagong 524.

Habang 69 ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay 4,732.

Kinumpirma naman ng Department of Health (DOH) na umaabot na ngayon sa mahigit tatlong milyon na mga indibidwal ang naisailalim nila sa COVID-19 test.

Samantala, sa muling pagkakataon, walang Pilipinong binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID-19.




Bunga nito, nananatili ang total fatalities sa 773.

13 namang mga Pinoy ang panibagong gumaling sa ibayong dagat kaya ang total recoveries ngayon ay 6,581.

Habang 16 ang naitalang bagong kaso kaya ang total COVID-19 cases sa hanay ng mga Pinoy sa abroad ay 10,339 na mula sa 77 na mga bansa.

Facebook Comments