Kaso ng COVID-19 sa bansa, halos 390,000 na!

42

389,725 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,594.

Ang aktibong kaso naman ay 32,773 o 8.4%.


468 naman ang bagong gumaling sa sakit kaya ang total recoveries na ay 349,543 o 89.7%.

42 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na sa bansa ay 7,409 o 1.90%.

Ang mild cases naman sa ngayon ay 83.0%, ang asymptomatic ay 10.1% habang ang nasa kritikal na kondisyon ay 4.4% at ang severe cases ay 2.5%

Ang maraming bagong kasong naitala ngayong araw ay mula sa Manila, Cavite, Davao City, Rizal at Quezon City.




Facebook Comments