Kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw, umakyat na sa 380,729

44

Umakyat na sa 380,729 ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito’y matapos makapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 1,803 na bagong kaso.


Pinakamarami sa bagong kaso ay nagmula sa Rizal na may 97; sinundan ng Davao City na may 93 na bagong kaso, Quezon City na may 86, Cavite na may 66 at Pasig City na may 65.

Nasa 42,462 ang active cases, kung saan 83.2 percent dito ang mild, 11.3 percent ang asymptomatic, 1.9 percent ang severe at 3.5 percent ang critical.

36 naman ang nadagdag sa mga nasawi na sumampa na sa 7,221.

Samantala, nadagdagan ng 606 ang mga gumaling sa sakit na umakyat na sa 331,046.




Facebook Comments