Kaso ng COVID-19 sa bansa, umakyat na sa 20,626; bilang ng mga nasawi, halos 1,000 na

70

Umabot na sa 20,626 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 244 na bagong kaso ang nadagdag sa bilang.


168 rito ang fresh cases habang 76 naman ang late cases.

Naitala rin ang dagdag na 82 sa mga gumaling sa COVID-19 na umabot na sa 4,330 recoveries.

Tatlo naman ang nadagdag sa bilang ng nasawi na mayroong kabuuang 987.

Samantala, pumalo na sa 5,361 ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19 matapos madagdagan ng anim na bagong kaso.

Sumampa naman sa 2,212 ang mga nakarekober sa nakakahawang sakit habang nasa 361 na ang nasawi.




Facebook Comments