Kaso ng COVID-19 sa Calabarzon AT Davao City, bumababa na

Patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa Calabarzon at Davao City sa nakalipas na dalawang linggo.

Ito ang pahayag ng Department of Health (DOH) matapos ihayag ng OCTA Research group na ang CALABARZON at Davao City ay kabilang sa mga episentro ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa DOH, pinagbabasehan nila ay ang dalawang linggong growth rate at average daily attack rate.


Kabilang din sa factors ay critical care utilization.

Hindi rin pabor ang DOH na gamitin ang salitang ‘episentro’ dahil wala itong standardized definition.

Facebook Comments