Kaso ng COVID-19 sa Kamara, 49 na

39

Dalawa ulit na empleyado ng Kamara ang nadagdag sa bilang ng mga positibo sa sakit na COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 49 ang bilang ng mga empleyado sa Batasan Complex ang dinapuan ng virus.


Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, ang isa ay isang Congressional staff na huling nag-report sa trabaho noong June 16.

Habang ang ikalawang empleyado ay mula naman sa Plenary Support Service at huling pumasok noong August 5.

Kapwa asymptomatic ang dalawa at kasalukuyang naka-home quarantine.

Facebook Comments