Kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa, umakyat na sa 646

Umakyat na sa 646 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Nakapagtala rin ang lungsod ng 346 na bilang ng mga pasyenteng gumaling sa naturang sakit habang umabot naman sa 49 na kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa virus.

Sa datos ng Muntinlupa City Local Government Unit (LGU), 251 ang aktibong kaso sa COVID-19 sa lungsod.


Umabot na rin sa 385 bilang ang itinuturing na probable cases at 263 ang suspected cases mula sa mga barangay ng Tunasan, Poblacion, Putatan, Bayanan, Alabang, Ayala Alabang, Cupang, Buli, at Brgy. Sucat sa Muntinlupa City.

Facebook Comments