Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, nadagdagan ng 247

26

Nadagdagan ng 247 ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City.

Base sa pinakahuling health bulletin na inilabas ng City Government, nasa 9,540 na ang kumpirmadong kaso sa lungsod.


Mula sa naturang bilang, 2,233 ang active cases.

May naidagdag na 137 sa nakarekober na umabot na sa 6,916 habang anim ang naitalang nasawi na mayroong ng kabuuang 391.

Facebook Comments