Kaso ng COVID sa Taguig City, pumalo na sa 22 at 2 na ang nasawi

70

Nadagdagan naman ng tatlo ang nag positibo sa Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Taguig City.

Batay sa bagong tala ng lokal na pamahalaan ng nasabing lungsod umabot na ng 22 na COVID-19 positive kung saan noong Lunes ay nasa 19 Lang ito ay isa pa lang ang nasawi.


Pero batay sa datos ng City Health Office ng Taguig, kahapon ay nadagdagan din ng Isa pa ang nasawi dahil sa nasabing virus.

Kaya naman, sa kasalukuyan mayroon ng dalawang pasyente ng COVID-19 sa Taguig ang binawian ng buhay

Ayon Taguig City Mayor Lino Cayetano, ikinalulungkot niya na mayroon naman nasawi sa kanyang lungsod ng dahil sa COVID-19

Kaya anya, panawagan niya sa kanyang mga residente na sumunod muna sa mga ipinatutupad ng gobyerno na mga hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing virus.

Facebook Comments