KASO NG DENGUE SA PANGASINAN, PUMALO NA SA HALOS TATLONG DAAN

Pumalo na sa 296 ang naitalang kaso ng dengue sa Pangasinan sa loob ng isang buwan, mula Enero 1 hanggang Pebrero 1.

Sa tala ng CHD-1, sa buong rehiyon mas mataas ng 81% ang kaso na naitala ng tanggapan kung saan pumalo ito sa 599 mula sa 129 sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Nanguna ang Pangasinan na sinundan naman ng La Union na may 128 cases, Ilocos Sur na may 93 cases, Ilocos Norte na may 47 cases, samantalang 39 cases sa Dagupan City.

Wala namang nakikitang dahilan ang CHD-1 na dahilan upang magdeklara ng dengue outbreak sa rehiyon.

Sa bayan ng Calasiao, patuloy naman ang monitoring ng tanggapan at pagpapaalala sa mga residente upang makaiwas sa sakit.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments