Kaso ng nagpositibo sa COVID-19 sa QC, bumaba na

31

Animnapu’t isang kaso na lamang ang naidagdag sa mga nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City.

Ito ay matapos umabot na lang sa 2,236 ang COVID-19 positive sa lungsod mula sa huling datos na 2,175.


Batay sa inilabas na impormasyon ng QC Health Office, nasa 2099 na ang kumpirmadong may kumpletong address sa Quezon City habang 1949 naman ang na-validate ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.

Habang sa datos ng Local Government Units (LGUs), nasa 816 na aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Nadagdagan naman ng 51 ang mga gumaling na may kabuuang bilang na 951.

Isa lang ang kaso ng pagkasawi na naitala na may kabuuan nang 182.

Facebook Comments