Kaso ng pagpatay kay QC Deputy Prosecutor Velasco, submitted for resolution na

Manila, Philippines – Sa loob ng animnapung araw ilalabas ng Department of Justice o DOJ ang desisyon sa kaso ng pagpatay kay Quezon City Deputy Prosecutor Rogelio Velasco.

Tinapos na ng DOJ ang pagdinig sa reklamo na isinampa ng NBI laban kina SPO2 Rodante Lalimarco, PO3 Arthur Lucy at PO1 Jose Mercado.

Dalawang testigo ang nagdiin sa tatlong pulis sa pagdinig.


Pinakita rin sa pagdinig ang kuha ng CCTV camera sa Quezon City Hall of Justice,  Quezon Circle at sa crime scene sa Commonwealth Avenue kanto ng Don Antonio Street sa Barangay Holy Spirit.

Facebook Comments