Kaso ng pagpatay sa hepe ng drug enforcement unit ng San Juan, tinututukan na

147

San Juan – Bumuo na ng task group ang Mandaluyong PNP para imbestigahan ang pagpatay sa dating hepe ng San Juan Drug Enforcement Group.

Matatandaang tinambangan ng mga hindi nakikilang suspek ang sasakyan ni Chief Insp. Hover Pascual kung saan kasama nito ang anak nitong si Bryan at kasintahan nito.

Ayon kay Mandaluyong Chief of Police, Senior Supt. Joaquin Alva – nag-remit umano si Bryan sa kanyang ama ng isang milyong pisong kita mula sa pinarerentahan nilang apartment bago ang nangyaring ambush.


Bukod dito, may 60,000 pesos cash na hawak pa si Hover.

Nanawagan naman ang pamilya ng biktima na lumutang na ang mga testigo sa krimen.

Facebook Comments