Kaso ng pamamaril naitala sa Cotabato City, 2 patay

22

Patay sa pamamaril ang dalawang indibidwal sa bahagi ng Rosales Ext., RH-6 nitong lungsod alas 7:40 kagabi.
Kinilala ni PP2 Commander Maj. Rustom Pastolero ang mga biktima na sina Allan Bagundali Benito, negosyante, nagmamay-ari ng recruitment agency at residente ng San Vicente, RH-9 Cotabato City at si Datu Prince Balao, 21 anyos.
Ang mga biktima ay lulan ng isang van na minamaneho ni Benito at palabas na sana ng Sinsuat Avenue ng pagbabarilin ng hindi nakilalang gunmen.
Ayon pa kay Maj. Pastolero, dead on the spot si Benito samantalang sa pagamutan na binawian ng buhay si Bulao.
Personal grudge ang tinitingnang motibo ng mga imbestigador ng PP2 sa pamamaril sa negosyanteng si Allan Bagundali Benito at Datu Prince Balao kagabi.
Ayon kay Maj. Pastolero, mayroon na rin silang persons of interest sa krimen agad din silang nagsagawa ng hot pursuit opertion sa mga suspek subalit bigo sila.
Magkagayunpaman, sinabi ng opisyal na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mabigayan ng hustisya ang mga biktima.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments

From Advertisers