Kaso ng pamamaril naitala sa Pikit North Cotabato

Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang pagsisiyasat ng Pikit PNP kaugnay sa panibagong insidente ng pamamaril patay sa bayan ng Pikit sa North Cotabato.
Kahapon ng umaga nang maganap ang pamamaril sa Barangay Silik, Pikit.
Kahahatid lamang umano ng biktima ng kanyang anak sa Silik Central School at nang palabas na ito ng eskwelahan ay doon na ito pinagbabaril ng hindi nakilalang mga suspek.
Kinilala ang biktima na si Boyet Baclayon na residente rin ng nasabing lugar.
Patuloy pang inaalam ng kapulisan ang motibo sa krimen at kung sino ang responsable nito.
CCTO PIC

Facebook Comments