Kasong graft case laban kay dating Palawan Governor Joel Reyes kaugnay ng fertilizer fund scam, ibinasura ng Sandiganbayan

42

Manila, Philippines – Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong graft case laban kay dating Palawan Governor Joel Reyes kaugnay ng fertilizer fund scam.

Sa labing-apat na pahinang resoulusyon, pinagbigyan ng Sandiganbayan 5th division ang motion to quash information ni Reyes.

Ito ay matapos na bigong maipaliwanag ng prosekusyon ang delay sa kaso na matagla nang nakabinbin sa Ombudsman.

Sa timeline ng prosekusyon, nagsimula ang fact-finding investigation noong may 24, 2004 habang ang preliminary investigation ay natapos noong September 14, 2016.

Ibig sabihin, inabot ng halos 12 taon ang proceedings ng ombudsman na paglabag naman sa right to speedy disposition of cases ni Reyes.

DZXL558

Facebook Comments