Kasong large-scale at syndicated estafa laban sa KAPA officers ,inihahanda ng NBI

Inihahanda ng National Bureau of Investigation ang kasong large-scale at syndicated estafa na kanilang isasampa laban sa mga opisyal ng KAPA Community Ministry International, Inc.

Ayon sa NBI , una nang naharap sa kasong estafa sa Bislig, Surigao si KAPA Founder Joel Apolinario subalit inareglo aniya nito ang mga biktima.

Kinumpirma rin ng NBI na labing apat na teams ng NBI ang nagsilbi ng search warrants laban sa KAPA at Alamco.


Sa operasyon ng NBI sa magkakahiway na tanggapan ng Kapa, nabawi ang mga mahahalagang dokumento, counting machines, mga resibo at computers.

Una nang inalerto ni Justice Sec Menardo Guevarra ang Bureau of Immigration para matiyak na hindi makakalabas ng bansa ang mga nasa likod ng Kapa investment scam.

Facebook Comments