Kasong rape with homicide, isinampa na laban sa 10 lalaking iniugnay sa pagkamatay ng isang flight attendant sa Makati

1352

Sinampahan na ng kasong rape with homicide ang 10 lalaki na nakasama ng flight attendant na si Christine Dacera na posibleng sangkot sa kaniyang pagkamatay noong tanghali ng Enero 1 sa isang hotel sa Makati.

Ito ay matapos lumabas sa imbestigasyon na hindi lang ang mga kaibigan ni Christine ang nakasama niya sa hotel party at lumabas sa autopsy na may palatandaan na inabusong seksuwal ang biktima.


Matatandaang unang sinabi ni Police Colonel Harold Depositar ng Makati Police, na ‘brain aneurysm’ ang ikinamatay ng biktima pero may nakitang lacerations sa maselang bahagi ng kaniyang katawan, mga pasa at gasgas sa binti kaya naman inihahanda na ang naturang kaso laban sa mga nakasama nito.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulis at tatlong suspek habang pinaghahanap pa ang pito.

Facebook Comments