KASUNDUAN | Pag-IBIG fund at Mcdonald’s PH, lumagda sa isang MOA

Manila, Philippines – Lumagda sa kasunduan ang Pag-IBIG fund sa McDonald’s Philippines.

Ito ang magbibigay diskwento sa Pag-IBIG member cardholder sa tuwing bibili sila ng paborito nilang McDonald’s meals.

Ayon kay Pag-IBIG fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti magmula August 6, 2018 hanggang February 6, 2019 ang Pag-IBIG cardholder ay bibigyan ng 5% discount para sa P200 minimum food purchase.


Para makapag-avail ng discount kinakailangan lamang ipresenta ng member ang kanyang Pag-IBIG loyalty card sa lahat McDo participating restaurant nationwide.

Sa datos ng Pag-IBIG, nakapagbigay na sila ng sumatutal na P300,000 discounts sa higit 23,000 transactions mula sa 600 participating restaurants sa buong bansa.

Sinabi pa ni Moti na maliban sa McDo mayroon din silang partnership sa ibat-ibang paaralan, drugstores at grocery stores upang makapaghatid ng munting kasiyahan at discounts sa kanilang mga loyal members.

Facebook Comments