Kasunduan sa foreign affairs, agrikultura at pangisda, sinelyuhan ng Pilipinas at Palau

COURTESY: RTVMalacañang

Nilagdaan ng Pilipinas at Palau ang tatlong kasunduan sa kauna-unahang official visit sa bansa ni Palau President Surangel Whipps Jr.

Kabilang na dito ang mga kasunduaan para sa policy consultation, na layong magtatag ng mekanismo para sa foreign ministry ng dalawang bansa na magpalitan ng pananaw sa bilateral at regional cooperation at iba pang international issues.

Sinelyuhan din ang kasundan sa kooperasyon para sa fisheries o pangisda, na layong maisulong ang sustainable development sa pamamagitan ng conservation, fishing ventures, joint research activities at paglaban sa iligal at kontroladong pangingisda.


Huling nilagdaan ang isang Diplomatic Note para sa isang “study visit” ng mga opisyal ng Palau at kanilang stakeholders sa mga pasilidad ng Pilipinas sa agrikultura at pangisda, para matuto ng “best practices” mula sa mga institusyon at pasilidad may kasanayan sa nasabing sektor.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagkasundo rin sila ni Whipps na ipagpatuloy ang mga konsultasyon at ugnayan ng dalawang bansa habang papalapit ang ika-tatlumpung aniberasryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at Palau sa 2027.

Facebook Comments