Kasunduan sa PUP, pinalulusaw na rin sa DND

132

Ipinakakansela na rin sa Department of National Defense (DND) ang kasunduan nito sa Polytechnic University of the Philippines (PUP).

Ang panawagan ni Duterte Youth Party-list Rep. Marie Cardema ay kasunod ng pagbuwag ng ahensya sa UP-DND accord noong 1989.


Giit ng Vice-Chairperson ng Committee on National Defense and Security, dapat na ikansela na rin ng DND ang kaparehong kasunduan sa PUP dahil ang paghingi ng permiso bago makapasok ang pulis at militar ay maituturing na special treatment sa dalawang state universities.

Maliban dito, ang 400 iba pang campuses sa buong bansa ay wala namang kasunduan at mapayapa naman kaya dapat na alisin na ang nasabing agreement.

Tama lamang aniya na alisin na ang special treatment na ito dahil naaabuso na rin ng mga unibersidad.

Facebook Comments