Kasunod ng mga ispekulasyong may problema sa kalusugan, North Korean Leader Kim Jong Un, lumabas na sa publiko

368

Lumabas na sa publiko si North Korean Leader Kim Jong Un para magbabala sa banta ng COVID-19 sa bansa at sa paparating na bagyo.

Taliwas ito sa mga ispekulasyong may problema sa kalusugan si Kim matapos hindi magpakita sa publiko ng ilang araw.


Kasama ni Kim ang top committee ng Ruling Workers’ Party para pag-usapan ang pagtugon sa virus maging ang ipinatupad na lockdown sa Kaesong na malapit sa teritoryo ng South Korea.

Facebook Comments