Kathrn Bernardo, napili bilang ambassador for the Girl Scouts of the Philippines

Napili ang aktress na si Kathryn Bernardo bilang kauna-unahang ambassadress ng Girl Scouts of the Philippines. Pormal na ipinakilala kahapon, February 22, ang 21 year-old actress bilang Ambassador ng GSP. Ginanap ito sa library ng Quezon City Hall kasama ang mga officers at directors ng Girl Scout of the Philippines. Napili raw si Kathryn dahil sa kanyang wholesome image, kabaitan at advocacy. Kabilang sa kaniyang mga isinusulong ang women at youth empowerment at anti-cyberbullying.
Hinihikayat din ni Kathryn ang mga kababaihan na lumahok sa barangay at Sangguniang Kabataan elections bilang mga botante at kandidata.

Facebook Comments