Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, hindi nape-pressure magpakasal

30

Inamin ng celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na hindi sila nagmamadaling magpakasal.

Ayon kay Kathryn, ang pagpapakasal ay isang lifetime partnership kaya’y kailangan nila itong pag-isipang maigi ni Daniel.


Ayaw raw nilang masira ang relasyon na meron sila ngayon dahil lamang sa isang desisyong minadali.

Biro pa ni Kathryn, gagampanan pa raw nila ang ‘bridesmaid’ at ‘grooms man’ duties sa mga kaibigan nilang ikakasal na.

Sa ngayon, mag-eenjoy lang daw muna silang mag-travel sa iba’t ibang bansa sa oras na mawala na ang pandemya.

Facebook Comments