Katransaksyon umano ni Kian delos Santos, hawak na ng PNP

Manila, Philippines – Hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang isang drug pusher na katransakyon umano ni Kian delos Santos.

Naaresto si Renato Loveras, alyas ‘Nonong’ sa isinagawang anti-drug operation ng Caloocan police.

Kwento ni Loveras – dalawa hanggang tatlong beses na nakatransakyon si delos Santos.


Mismo ang binatilyo aniya ang nag-aabot sa kanya ng shabu na galing sa isang nagngangalang *‘Neneng Escupin’*.

Idinala na si Loveras sa Caloocan City Prosecutors Office para sa inquest proceedings ng kanyang kaso kaugnay sa ilegal na droga.

Nauna nang itinanggi ng pamilya ni delos Santos na inosente ang binata at itinanggi na siya ay drug courier.

Nabatid na wala rin sa drugs watch list ng Caloocan PNP si delos Santos.

Facebook Comments