Kauna-unahang drive-thru vaccination site, ilulunsad ng pamahalaang lungsod ng Makati

56

Inanunsyo ngayong araw ni Makati City Mayor Abby Binay na magtatayo sila ng kaun-unahang drive-thru vaccination site bukas, araw ng Biyernes.

Ayon kay Mayor Binay, tatanggapin ng nasabing drive-thru vaccination site ang persons with disabilities (PWD) at bedridden residents.

Tatayo anya ang nasabing vaccination site sa Circuit Makati Estates grounds matapos makipag-kasundo ang lokal na pamahalaan ng Makati sa pamunuan ng Ayala Malls Circuit.


Samantala, batay sa datos ng health department ng lungsod, nasa mahigit 35,000 medical frontliners, essential workers, senior citizens, individuals with comorbidities ang nabakunahan ng lungsod laban sa COVID-19.

Umaasa naman ang alkalde ng Makati, na darating ang mga inorder nilang COVID-19 vaccine ngayong July kung saan mababakunahan nito ang mga residente, business and property owners, at non-resident employees ng lungsod.

Facebook Comments