Kauna-unahang gold medal ng Pilipinas, nasungkit ni John “Rambo” Chicano sa Men’s Individual Triathlon

4269

Nasungkit ni John “Rambo” Chicano ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas para sa kategoryang Men’s Individual Triathlon sa Southeast Asian Games (SEA) 2019 na nagdaos na ng opening ceremony kagabi.

Si Chicano ang kauna-unahang Pinoy na nag-ambag ng gold medal sa bansa matapos talunin ang iba pang manlalaro sa ginanap na Triathlon event sa Subic, Zambales ngayong araw.


Sa loob ng 1 oras, 53 minuto at 6 na segundo, nanaig si Chicano laban sa iba pang manlalaro.

Nabatid na isa ring silver medalist si Chicano sa Triathlon noong Sea Games 2017.

Maliban kay Chicano, nasungkit din ni Kim Remolino ang kauna-unahang silver medal ng bansa sa kaparehong kategorya rin.

Facebook Comments

From Advertisers