KAUNA-UNAHANG HELIUM-FREE MRI MACHINE SA BUONG NORTH LUZON, PINASINAYAAN SA REGION 1

Pinasinayaan ng Department of Health (DOH) ang kauna-unahang Helium-Free Magnetic Resonance Imaging (MRI) sa buong Northern Luzon na matatagpuan sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) sa Ilocos, San Fernando City, La Union.

Personal na dinaluhan ang naturang inagurasyon nina DOH Undersecretary for UHC-HSC area 1 Cluster Head for North and Central Luzon Glenn Baggao, USec. Achilles Bravo, DOH-Ilocos RD Paula Paz Sydiongco, DOH-CAR RD Ferdinand Benbenen at amg ITRMC Chief II.

Sa tulong ng makabagong kagamitan, mas magiging malinaw ang paggenerate ng mga kinakailangang image at makapagbibigay ng diagnosis at prognosis, na tiyak na magiging epektibo sa tulong na rin ng AI-tech.
Layon nitong mas pagbutihin pa ang ibibigay na serbisyong pangkalusugan ng mga residenteng nagtutungo rito upang magpagamot. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments