Kauna-unahang official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia, handang-handa na

40

Manila, Philippines – All-systems go na ang kauna-unahang official visit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia sa susunod na Linggo, mula Mayo 22 hanggang 26.

Sa press conference sa Malacanang, idinetalye ni DFA Asec. Marie Cleofe Natividad ang magiging busy schedule ng Pangulong Duterte kung saan muling nitong makakaharap si Russian President Vladimir Putin at Russian PM Dmitry Medvedev.

Aniya, inaasahang magkikita ang dalawa sa Mayo 25 para sa bilateral talks na layong palakasin ang relasyon ng dalawang bansa.

Maliban dito, inaasahang lalagdaan ng dalawang lider ang ilang mahalagang kasunduan gaya ng military defense agreement.

Haharapin din si Pangulong Duterte ang Filipino community sa Moscow.
DZXL558

Facebook Comments