Kauna-unahang Pilipinong nakasungkit ng medalya sa Olympics, binigyan ng pagpupugay sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2025

Nagbigay-pugay ang gobernador ng Ilocos Norte sa kauna-unahang Pinoy na nakasungkit ng medalya ng bansa sa Olympics.

Sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2025 kahapon, sinabi ni Ilocos Norte Governor Mathew Marcos-Manotoc na sana ay maging inspirasyon ng mga manlalaro mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang Olympian na si Teofilo Yldefonso na isang Ilokano.

Ang swimmer na tinaguriang father of modern breast stroke ay nanalo sa 1928 Amsterdam at 1932 Los Angeles Olympics ng bronze medal.

Kalaunan ay naging war veteran ang atletang tubong Piddig sa Ilocos Norte.

Facebook Comments