Inilunsad na ang kauna-unahang Wave Flume Laboratory sa Pilipinas na matatagpuan sa Mariano Marcos State University (MMSU) sa Batac City, Ilocos Norte.
Pinakalayunin na ang pagpapalawig ng pananaliksik pagdating sa wave dynamics, coastal erosion at climate change adaptation.
Sa pamamagitan nito, makakabuo rin ng siyentipikong mga solusyon partikular ang suliranin ng kinakaharap sa mga baybaying komunidad laban sa storm surge, pagbaha at ilan pang mga coastal hazard.
Inihayag din ni DOST 1 Regional Director Dr. Teresita Tabaog ang kahalagahan nito sa pagpapalakas pa ng Disaster Response ang bansa maging ang inobasyon sa coastal infrastructure.
Samantala, bahagi ang naturang proyekto ng Coastal Engineering and Management Research and Development Center o COASTER sa ilalim ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ng DOST-Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development, MMSU at iba pang mga ahensya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨