Kawalan ng permanenteng DOH Secretary, walang negatibong epekto sa pagtugon sa pandemya

70

Iginiit ni House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin na walang negatibong epekto sa pagtugon sa COVID-19 pandemic ang kawalan pa rin kalihim ng Department of Health (DOH).

Bilang dating health secretary, ay ipinaliwanag ni Garin na ang kapangyarihan ng acting secretary ng DOH ay pareho lang sa OIC nito na ginagampanan ngayon ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Para kay Garin, ngayong may pandemya ay makakabuti din kung walang masyadong paggalaw sa mga nakaupo sa DOH.


Diin ni Garin, ang mahalaga ngayon ay mapunan ang maraming bakanteng posisyon sa DOH para hindi maapektuhan ang kanilang operasyon.

Base sa datos, maraming “unfilled positions” ng undersecretary, assistant secretary, direktor at iba pang posisyon sa kagawaran dahil sa mga nagretiro.

Facebook Comments