Kawani ng DENR-ARMM nakitang patay sa tinutuluyang bahay

19

*Isang kawani ng DENR-ARMM ang nakitang patay kahapon sa loob ng kanyang inuupahang bahay sa jasmine street barangay RH-6 ng lungsod.Kinilala ang ginang nasi Noraisa Andang 54 anyos, na admin officer 1 ng DENR-ARMM na residente ng nasabing lugar.* *Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP2 ni PCI Efren Salazar, bandang 3:05 kahapon ng hapon ng makatanggap sila ng tawag mula sa kasamahan sa trabaho na nakitang wala ng buhay ang biktima.* *Kaagad namang nagtungo sa area ang PP2 kasama ang SOCO team para mag inbestiga, at nabatid na posibleng namatay ang biktima dahil sa kanyang sakit o health condition, dahil walang force of entry at struggle na nakitaan sa loob ng bahay.Posible umanong noong linggo pa nasawi ang biktima batay sa pagsuri ng otoridad..Agad naman kinuha ng mga kamag anak ang labi para malibing na naayon sa kanilang tradisyon.*

Facebook Comments