KAYANG KAYA! | Heart Evangelista – okay lang na magsuot ng high heels kahit buntis

54

Manila, Philippines – Wala raw dapat ipag-alala ang mga fans ni Heart Evangelista kaugnay sa pagsusuot nito ng high heels kahit buntis.

Ilang netizens kasi ang nag-react at nag-alala matapos na rumampa ang aktres sa isang red carpet event suot ang napakataas na high heel boots.

Pero say ni Heart o Love Marie sa totoong buhay, komportable siya sa boots na isinuot din niya buong araw nang mamasyal sila ng asawang si Senator Chiz Escudero sa Paris noong 2016.

Paborito raw niya ang sapatos na nagkakahalaga ng Php 63,000.

May ‘go signal’ din daw ang kanyang doktor dahil trained naman daw siya sa pagsusuot ng mga high heels bago pa man nagbuntis.

Ito ang unang pagdadalang-tao ng 33-year old actress matapos na ikasal sa 48-year old senator noong 2015 sa Balesin Island.

Facebook Comments