KC Concepcion, sinorpresa ni Apl.De.Ap

121
COURTESY: @ITSKCCONCEPSION | IG

Isang video message mula kay pop star Shakira ang natanggap ng aktres na si KC Concepcion.

Sa video na ibinahagi ni KC sa kaniyang Instagram, makikita si Shakira habang kino-congratulate ang aktres para sa bago nitong cooking show.

Pinasalamatan din ng Colombian singer si KC dahil sa suporta nito sa kaniyang music.

Nabatid na big fan ng Super Bowl performance ni Shakira si KC.

Pinasalamatan naman ni KC ang kaniyang “good friend” na si Apl.De.Ap para sa surprise video message.

Sa nakalipas na ilang buwan, matatandaang na-link romantically si KC kay Apl.

Hindi naman masagot ng ina ni KC na si Sharon Cuneta kung totoo ang bali-balita dahil maging siya raw ay nagulat.




Gayunman, malaki aniya ang respeto ng Mega Star kay Apl.De.Ap.

Facebook Comments