Keith Thurman, tanggap na ang pagkatalo

Buong tinanggap ni American boxer Keith Thurman ang pagkatalo nito kay Manny Pacquiao.

Ayon kay Thurman – isang tunay na kampeon si Pacquiao matapos makuha sa kanya ang WBA Superwelterweight Belt.

Pinuri rin ni Thurman ang naging performance ng Pambansang Kamao sa kanilang laban.


Iginiit naman ni Thurman na hindi siya nangamba na mawawala ang kanyang zero-loss record.

Sa ngayon mayroon na si Thurman na 29-1 win-loss record, habang si Pacquiao ay may 67-wins, 7-losses, at 2-draws.

Facebook Comments