Kenyan Nat’l na konektado sa Al-Queda Terror Group, naaresto sa Iba, Zambales

Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang Kenyan National na konektado sa Al-Queda Terror Group sa Iba, Zambales.

Kinilala ang naarestong Kenyan National na si Cholo Abdu Abdulla na naaresto sa isang hotel sa Iba, Zambales.

Sa ulat ng PNP-CIDG, alas 3:30 ng hapon kahapon ng maaresto ang Kenyan National na may kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9516.


Nakuha sa suspek ang isang 9mm pistol, magazine at ammunition, isang unit ng Improvised Explosive Device, isang hand grenade at iba pang panggawa ng bomba.

Sa pag-iimbestiga ng PNP si Abdullah ay affiliated sa AL-Queda Terror Group.

Taong 2012 nang makipag-alyansa ito sa teroristang grupo na ngayon ay nag-o-operate sa East Africa.

Facebook Comments