Kenyan parliament member, inaresto dahil sa pananampal ng kapwa mambabatas

38

Arestado ang isang Kenyan member of parliament dahil sa pananampal sa babaeng kapwa niya mambabatas.

Inakusahan si Rashid Kassim ng pananampal kay Fatuma Gedi, na tumatayong pinuno ng budget committee.


Nangyari ang insidente matapos komprontahin ni Kassim si Gedi kung bakit hindi pinaglaanan ng pondo ang kanyang constituency.

Dito na pinagkatuwaan ng mga lalaking mambabatas ang kanilang mga kasamang mga babae sa parliyamento at inasar silang “araw na ng sampalan!”

Nag-walkout ang mga babaeng mambabatas at iginiit ng tratuhin ng wasto ang mga kababaihan.

Facebook Comments

From Advertisers