Kevin Durant, nakuha ang kauna-unahang championship title matapos talunin ng Golden State Warriors ang Cleveland Cavaliers sa finals ng NBA 2017

129

Manila, Philippines – Muling nag-kampeon ang Golden State Warriors kontra Cleveland Cavaliers sa ikatlo nilang paghaharap sa NBA finals.

Nanalo sa game-5 ang Warriors sa score na 129-120 kung saan nanguna sa panalo ang finals MVP na si Kevin Durant na May 39-points.


Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakuha ng champisonhip si Durant kaya’t todo ang pasasalamat nito sa kaniyang mga ka-teammates at sa management ng Warriors.

Ito na ang ika-limang titulo ng Golden State Warriors at nakuha din nila ang franchise history na 16-1 sa pagpasok ng playoffs hanggang sa championship.

First time din nakakuha ng kampeonato ang ibang veteran player ng Warriors tulad nina Zaza Pachulla, David West at Matt Barnes.
DZXL558

Facebook Comments