Kevin Durant, target pa rin ng ilang NBA Team kahit injured

216

Kahit injured ilang koponan pa rin ang interesadong makuha si Kevin Durant para sa susunod na NBA Season.

Kabilang sa mga inaasahang mag-aalok ng full max contract kay KD ang Golden State Warriors, New York Knicks, Los Angeles Lakers at Clippers.


Ayon sa mga source, positibo pa rin ang mga nasabing team na makakarekober ang two-time NBA Finals MVP mula sa injury.

Habang ang Brooklyn Nets, posible umanong alisin sa listahan ng kanilang free-agent market ngayong taon si Durant oras na makumpirmang Achilles Injury ang tinamo nito sa Game 5 kahapon.

Hulyo ng nakaraang taon nang pumirma si Durant ng dalawang taong kontrata sa Warriors na nagkakahalaga ng 61.5 Million Dollars o mahigit 3.1-Billion Pesos.

Kasama sa deal ang 31.5-Million Dollars na player option na noong una ay inaasahang tatanggihan ni Durant para maging free agent.

Pero dahil sa injury, posible umanong gamitin ito ni Durant at manatili sa Warriors sa 2019-2020 NBA Season para igugol ang kanyang panahon sa pagpapagaling.

Facebook Comments

From Advertisers