Kick-off Ceremony ng Brigada Eskwela 2019, Isinagawa sa Lungsod ng Cauayan!

157

*Cauayan City, Isabela- *Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Kick-off ceremony ng Brigada Eskwela 2019 na ginanap sa Villa Flor Elementary School, Brgy. Villa Flor, Cauayan City, Isabela sa pangunguna ng Department of Education (DepED) School’s Division Office ng Lungsod ng Cauayan.

Sa pagtutok ng 98.5 RMN Cauayan, nagsimula ang naturang aktibidad sa pamamagitan ng motorcade na inumpisahan mula sa harap ng Schools Division Office sa Brgy. Turayong, Cauayan City hanggang sa nasabing paaralan.


Dinaluhan ito ng ilang City Councilor ng Cauayan, mga Unit Heads ng Division Office at mga supervisor ng Elementary at Secondary school na sakop ng DepED Cauayan City.

Ang Brigada Eskwela 2019 ay mayroong temang “Matatag na Bayan para sa Maunlad na Paaralan” na magsisimula sa May 20 hanggang May 25 sa taong kasalukuyan.

Layunin ng taunang Brigada Eskwela na isinasagawa sa buong bansa na maihanda ng maayos at malinis ang mga gagamiting paaralan para sa nalalapit na pasukan sa Hunyo.

Facebook Comments