Kidlat kasabay ng malakas ng ulan kagabi, nakuhanan ng isang netizen

Kuha ni Jason Tolentino

Nakuhanan ang kidlat kasabay ng malakas na pag-ulan kagabi, bandang 6:30 hanggang alas-7, mula sa isang condo unit sa Cubao, Quezon City, kagabi, Miyerkules.

Kita sa mga sumunod na litrato na isinara na ang bintana, dahil tila palapit nang palapit ang kidlat, ayon kay Jason Tolentino, may-ari ng litrato.

Naglalaro daw si Jason sa cellphone nang marinig niya ang malakas na kulog.


Agad itong nakunan dahil naka set-up lang daw palagi sa bintana ang camera ng uploader, dahil na rin sa hilig nitong kuhanan ang sunrise at sunset.

Facebook Comments