KIDNAPPER | Viral van na nag-iikot para mangdukot ng bata, umatake sa Pasig City; Isa sa mga suspek, naaresto

320

Pasig City – Nakaligtas ang 5 taong gulang na babae sa tangkang pag-kidnap sa kanya sa Barangay San Joaquin, Pasig City. Kung maalala, naging usap-usapan sa social media ang kulay green na van na sinabing nag-iikot para kumuha ng mga bata. Ayon sa Pasig police, nahuli nila ang isa sa mga suspek kasunod na rin ng sumbong ng isang babaeng taga-barangay. Kwento ng ginang, nakita niya ang isang lalaki na hinahalatak ang braso ng 5 taong gulang na babae at pilit isinasama. Namataan din ang sinasabing kulay green na van. Matapos itong masaksihan, agad siyang na sumbong sa mga pulis kaya’t nahuli ang isa sa mga suspek. Ayon sa arresting officer na si PO1 Tuquero ng PCP2, hindi na niya inabutan ang kulay green na van pero nahuli niya si Romualdo Abalajon, 49-anyos, na siyang tinuturong kumukuha sa bata. Nakakulong na ngayon ang suspek at nahaharap sa kasong abduction, habang sasampahan din siya ng kasong paglabag sa RA 9165 dahil may suspected shabu na nakumpiska mula sa kanya. www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments