Kiefer Ravena, babalik sa Gilas Pilipinas

Photo Courtesy: Kiefer Ravena//Tiebreaker Times

Kinumpirma ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao ang pagbabalik ni NLEX rookie Kiefer Ravena sa National Team sa 2019 FIBA World Cup.

Matatandaang nasa 18-buwang na suspende si Ravena matapos magpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot noong February 2018.

Walang nakikitang problema si Guiao sa pagsama ng dating Ateneo Star sa Gilas dahil matatapos naman na ang suspensyon nito bago mag-umpisa ang 2019 FIBA Basketball World Cup.


Hindi man bumalik ang peak shape ni Keifer ay inaasahan naman ni Guiao na inaalagaan nito ang kanyang sarili.

Sa ngayon ay nasa US si Ravena at inaasahang babalik sa Lunes upang makasama sa practice ng koponan sa Meralco Gym sa Pasig.

Facebook Comments