Kiefer Ravena, pasok sa 15-man pool ng Gilas

Pasok na sa 15-man training pool ng Gilas Pilipinas si NLEX Road Warriors star Kiefer Ravena bilang paghahanda sa Southeast Asian Games.

Ayon kay head coach Tim Cone – pinayagan ng SEA Games official na isama si Ravena sa listahan bilang kapalit ng injured na si Jayson Castro.

Pero hindi pa rin tiyak kung makakapaglaro si Ravena dahil 12 players lamang ang tutuloy sa torneyo.


Sa kabila nito, naniniwala si Cone na malaking ang maitutulong ni Ravena sa kampanya ng Gilas.

Facebook Comments