Kiefer Ravena, suma-sideline ding courtside reporter

May sinusubukang bagong trabaho ngayon si Kiefer Ravena – ito ay ang pagiging courtside reporter.

Hinawakan ni Ravena ang task na mag-livetweet sa laban ng Gilas Pilipinas kontra Congo at Ivory Coast sa Torneo de Malaga sa Spain.

Ayon kay Ravena – pwede rin siyang maging “The Phenomenal” bilang reporter.


Sa ngayon, pwersado si Ravena na manatili sa sidelines dahil mayroon pa siyang dalawang linggo bago matapos ang 18th month suspension mula sa FIBA.

Facebook Comments